Home > Heartstrings, Life Musings > Mangyari Lamang

Mangyari Lamang

This poem was given by a guy friend for me and my other girl friend when we were both nursing our first broken hearts at the tender age of 19…

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal

Nang makita ng lahat ang kagandahan ng mukha ng pag-ibig

Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan

Sa mga malabo ang paningin.

Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi

Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani

Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi

Ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtataya.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal, at iniwan

Ngunit handa pa ring magmahal

Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan

Ipamalas ang mga katotohanang nasaksihan

Nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.

At mga nananatiling nakaupo

Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis

Papalabas sa nakangangang pinto

Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang

Na nagpalaki ng isang halimaw.

At sa lahat ng naiwang nakatayo

Mangyari lamang ay hagkan ang isa’t isa

At yakapin ang mga sugatan

Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik

Sa ating pinagmulan.

Manatiling masaya

At higit sa lahat magpatuloy

Sa pagmamahal!

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: